"Even if nothing happens, itong year na 'to, itong pilot season, I'm not gonna give up because, you know, if nothing happens, I'll gonna go back naman. I have an agency, one of the best agencies. At yun ang ano... that alone is something hard to get," says Sam Milby about trying his luck in Hollywood.
Sa Miyerkules, February 1, ay lilipad na si Sam Milby patungong Amerika para subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood.
Sa The Buzz noong Linggo, January 29, live na nag-guest ang Fil-Am actor-singer para magpaalam pansamantala sa mga sumusuporta sa kanya.
Pero ang unang inusisa kay Sam ng mga hosts ng programa na sina Boy Abunda at Charlene Gonzalez ay ang VTR message ni Anne Curtis para sa kanya.
Si Anne ang dating girlfriend ni Sam.
Ayon kasi kay Anne, may "special part" parati sa kanyang puso si Sam.
Inamin din ng aktres na si Sam ang kanyang "last and most painful breakup."
Ano ang reaksiyon ni Sam sa mga naging pahayag ni Anne?
"For the both of us, I would say, yeah," nakangiting pag-amin din ni Sam.
Sa interview naman ni Sam kay Kris Aquino sa Kris TV, sinabi ng actor-singer na ang "deepest love" niya ay si Anne.
Kaya kung tatanungin si Sam ngayon, ano ang masasabi niyang biggest regret as far as his relationship with Anne is concerned?
"Biggest regret, I think, I said this naman sa Bandila... In my past relationship, I feel I'm not mature and man enough to be a leader, I guess," sagot niya.
Masasabi kaya ni Sam na ang nangyari sa kanila ni Anne ay "right love at the wrong time"?
Natawa muna si Sam saka sinabing, "No, I think whoever you meant to be with, I think, it would happen pa rin. You know what I mean?"
Pero ano ang natutunan niya sa relasyon na yun na puwedeng baunin sa kanyang susunod na pakikipagrelasyon?
"Yun nga, to really step up and be a man. And I think, if you really love someone, you have to fight for it," sagot ni Sam.
Sa concert ni Anne sa Araneta Coliseum noong Sabado, January 28, isa si Sam sa naging special guests.
Nag-duet sila ng "Always Be My Baby."
How was it performing with Anne at the concert?
Sagot ni Sam, "It was nice.
"You know, it's been a while. We've both moved on, of course.
No comments:
Post a Comment