Angel Locsin on John Lloyd Cruz: "Hindi niya kailangan ipangalandakan, pero mahahalata mo sa kanya kung paano siya mag-care, kung paano siya magmahal, kung paano siya magprotekta. And that's why siguro si John Lloyd ay isang crush ng bayan at maraming nali-link sa kanya dahil napaka-ano niya... napaka-pure ng puso niya. Napaka-romantic."
Angel Locsin on "scorching-hot love scenes" with John Lloyd Cruz in Unofficially Yours: "Namomroblema na nga ako. Kasi, hindi na ako nahihiya!"
Mula sa kanilang pagsasama sa ABS-CBN primetime series na Imortal, mapapanood naman ngayon sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa pelikula.
Sila ang tampok sa Valentine offering ng Star Cinema, angUnofficially Yours.
Marami na ring naging leading men si Angel, pero sa VTR interview sa kanya ng The Buzz noong Linggo, January 28, sinabi nito na sa lahat ng nakatambal niya, palaging "one step ahead" si John Lloyd.
Saad ni Angel, "Wala na siguro akong masasabi kung paano niya mahalin ang trabaho niya. Parang lagi siyang one step ahead.
"Iba... iba si Lloydie."
Sa huling araw nga raw ng shooting nila ng Unofficially Yours, sumabak talaga sila sa "scorching hot" na love scenes. Kamusta naman ang pakiramdam sa paggawa ng mga ganitong eksena?
Natatawang sabi ni Angel, "Wala na, ibinigay na naming lahat do'n.
"Namomroblema na nga ako. Kasi, hindi na ako nahihiya!"
Pero thankful daw si Angel na si John Lloyd ang leading man niya dahil gentleman daw ito.
"Ano naman, nagpapasalamat naman ako kay John Lloyd at kay Direk Cathy [Garcia-Molina], kasi wala akong chance para maka-feel ng awkwardness.
"Kasi, si Lloydie napaka-gentleman. Siya pa ang nagko-cover sa akin minsan.
"Napaka-gentleman ng lolo mo."
Pero hindi lang daw sa aspetong yun bilib si Angel kay John Lloyd.
Aniya, "Si Lloydie kasi, parang... napag-usapan nga namin minsan, sabi niya kasi... Naku, patay ako dito!
"Sabi niya kasi, sa mga weddings, nahihirapan siyang pumunta kasi hindi niya mapigilan ang umiyak.
"Sa mga weddings... So, parang naisip ko, siguro iniisip niya yun every day. Siguro, napaka-romantic niyang tao.
"Hindi niya kailangan ipangalandakan, pero mahahalata mo sa kanya kung paano siya mag-care, kung paano siya magmahal, kung paano siya magprotekta.
"And that's why siguro si John Lloyd ay isang crush ng bayan at maraming nali-link sa kanya dahil napaka-ano niya... napaka-pure ng puso niya. Napaka-romantic."
No comments:
Post a Comment