Tuesday, 31 January 2012

Marissa arrested in Las Vegas


Marissa Lapid, wife of Senator Lito Lapid, was arrested at the Las Vegas International Airport last January 15, following dollar-smuggling charges filed against her last November 2011. Last year, Marissa was caught carrying into the U.S. a bag and socks filled with a total of $50,000 in cash, when she had declared that she only had $10,000 with her.
Senator Lito Lapid's wife Marissa arrested in Las Vegas for allegedly smuggling $50,000 
Inaresto si Marissa Lapid ng ilang agents ng United States Immigration and Customs Enforcement (ICE) pagkalapag ng kinalulunanan nitong eroplano sa Las Vegas International Airport dahil sa kasong dollar smuggling.
 Ang kaso ay isinampa laban sa kanya noon pang Nobyembre ng 2011.
 Kinumpirma mismo ni Senator Lito Lapid na inaresto ang asawa niya sa Las Vegas noong Enero 15.
 Pero ayon kay Senator Lapid, nakalaya rin ang kanyang maybahay pagkatapos nitong magpiyansa.
 Ayon sa report ni Ding Cervantes para sa ABS-CBN News, mananatili sa Las Vegas si Marissa habang hinihintay ang resolution ng kaso kaugnay ng pagpupuslit diumano nito ng $50,000 noong Nobyembre.
 Isang American lawyer daw ang tumutulong ngayon kay Marissa.
 Humingi na rin ng tulong si Senador Lapid sa Philippine Department of Foreign Affairs upang alamin ang tunay na pangyayari.
 Inaresto si Marissa dahil sa US federal warrant na isinampa laban sa kanya noong January 5, 2012.
 Ito ay kaugnay ng una niyang pagkaaresto noong November 27, 2011, dahil sa tangkang pagpupuslit ng dolyares.
 Nagsumite ng affidavit ang US authorities na nahuli si Marissa pagkatapos nitong ideklara sa Customs personnel sa Las Vegas International Airport na meron lamang siyang dalang $10,000.
 Pero nang halughugin ang kanyang bagahe, natagpuan ang dalawang medyas na naglalaman ng tigte-$10,000.
 May natagpuan ding $20,000 sa loob ng kanyang bag.
 Sa ilalim ng batas ng U.S., ang sinumang nagdadala ng higit sa $10,000 cash ay kailangang mag-fill out ng Customs Form 4790, at isumite ito sa mga awtoridad ng Customs sa airport.
 Kailangan ding maging handa ang sinumang may hawak ng ganung halaga na patunayan na sa kanya nga ang naturang pera.
 Ayon pa sa report ng ABS-CBN, noong ding panahong nakita sa Las Vegas airport ang dollars, binawi ng U.S. Customs officials kay Marissa ang kaniyang $50,000 na cash, habang iniimbestigahan ang kaso.
 Pero pinalaya raw noon si Marissa nang walang piyansa at walang reklamong isinampa laban sa kanya.
 Ayon kay Atty. Filmer Abrajano, chief of staff ni Senator Lapid, hindi malinaw ang impormasyong nakuha nila tungkol kay Marissa.
 Hindi rin niya masabi kung bakit pinakawalan si Marissa noong Nobyembre 2011.
 Sabi pa ni Atty. Abrajano, hinuli si Marissa nang bumalik ito sa Las Vegas nitong January 15, 2012.
 Pero wala raw kaalam-alam ang maybahay ni Senator Lapid na may isinampang kaso laban sa kanya.



No comments:

Post a Comment