Tuesday, 31 January 2012

Nadia Montenegro denies theft charges


Nadia Montenegro denies theft charges against her; Annabelle Rama to face oral defamation raps


Muling nauwi sa sigawan ang paghaharap nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro sa piskal ng San Juan kahapon, Enero 30, para sa preliminary investigation ng kasong pagnanakaw na isinampa ng talent manager laban sa dating aktres.
Ayon kay Annabelle, walang paalam na kinuha umano ni Nadia ang ilang kagamitan mula sa kanyang warehouse na nagkakahalaga ng Php 500,000—kasama dito ang 10 antique chairs, Sony TV set, three beds at mga mamahaling cooking ware.
Ngunit mariing pinabulaanan naman ito ni Nadia, na sinasabing binili niya ang naturang hospital bed mula kay Annabelle. “There were even some things in her storage that I was able to help her sell. Nabenta ko yung mga hospital bed niya, and I paid her [P15,000 worth of] cash for that.”
Ikinagalit naman ito ng husto ng talent manager at saka nagsisisigaw na wala siyang natatanggap na ano mang pera mula sa aktres. “Hindi mo gamit ibinenta mo? Ang kapal ng mukha mo, day! Binili niya yung hospital bed? Kinuha niya ng walang paalam sa akin! Hindi ko ipasasauli, may mga germs na yun! Wala akong kinuha ni piso sa’yo! Ikaw ang may utang sa akin, magbayad ka,” nanggagalaiting sambit ni Annabelle.
Inabangan ni Annabelle si Nadia sa parking lot ng San Juan Justice Hall upang doon sila magtuos, “Lumabas ka dyan, sinungaling ka, halika rito, duwag! Nadia Montenegro, bumaba ka diyan, magnanakaw!” Pero hindi lumabas ng opisina ang aktres hanggang sa makaalis ito. 
Ngayon ay planong sampahan ni Nadia ng kasong grave oral defamation si Annabelle dahil sa ginawa nitong pageeskandalo at pagbabanta sa kanya sa meeting nila sa piskal. “We will file the necessary action. If she can do this here in court, I don’t know what she can do if I see her outside. I’m not scared of her, but I am not like her. And I just intend to continue protecting my kids and fight for what is true,” mahinahong pahayag ni Nadia.
Umapila si Nadia na ibasura ang isinampang theft case laban sa kanya dahil hindi umano sakop ng piskal ng San Juan ang insidenteng ibinibintang sa kanya na naganap sa Quezon City. Umaasa din siya na matapos na agad ang pagdinig ng kasong child abuse na isinampa niya laban naman kay Annabelle sa Quezon City Prosecutor’s Office. 

Sa February 6 nakatakdang magharap muli sa korte sina Annabelle at Nadia. –Report from TV Patrol


No comments:

Post a Comment